Skip to main content

Our help and support are always within your reach.

Frequently Asked Questions on GFiber Prepaid

I-level up ang iyong home internet para sa buong pamilya with GFiber Prepaid!


Ang GFiber Prepaid ay produkto ng Globe AT HOME. Ito ay isang fiber connection na budget-friendly, with prepaid UNLI-surf promos for as low as P299 for 7 days! No documents are required to apply! Wala ring contract at fixed monthly fees.


Para sa sulit at hassle-free Prepaid Fiber connection na walang lock-up, mag-GFiber Prepaid na!

Mag-GFiber Prepaid na for a one-time fee of only P1,499! Ang one-time fee is inclusive of modem and installation costs.


Sundin lang ang mga sumusunod na steps para makapag-apply:

 

  1. Pumunta sa GlobeOne app

  2. Sa GFiber Prepaid page, ilagay ang iyong complete address para ma-check kung serviceable ang iyong area

  3. Kung serviceable, kumpletuhin ang digital application form, piliin ang date para sa modem installation, at magbayad via GCash (GGives or GCredit are also accepted)

  4. Hintayin sa piniling date ang installer para mag-install ng inyong GFiber Prepaid modem!


If existing Globe AT HOME subscriber ka, pwede ka din mag-apply via the GlobeOne app:

 

  1. Buksan ang GlobeOne app

  2. I-tap ang GFiber Prepaid logo on the top banner

  3. Ilagay ang iyong complete address para ma-check kung serviceable ang iyong area

  4. Kumpletuhin ang digital application form, piliin ang date para sa modem installation, at magbayad via GCash (GGives or GCredit are also accepted)

  5. Hintayin ang Globe Technician sa piniling date para mag-install ng inyong GFiber Prepaid modem!

GFiber Prepaid has no contract, no lock-up, and no fixed monthly service fees!


To avail of GFiber Prepaid, apply lang via GlobeOne app and pay the one-time fee of P1,499 via GCash. Mayroong ding Buy-Now-Pay-Later with flexible payment options via GGives at GCredit!


No documents are needed during the application.


Avail of budget-friendly UNLISurf promos via GlobeOne app when you need it! GFiberSURF plans are all UNLI for as low as P299 for 7 days, swak sa budget!

  1. Gumawa ng account sa GlobeOne app (skip this step if you already have a GlobeOne app account!). Ilagay ang iyong mobile number, verify via OTP, at i-set ang iyong 6-digit PIN.

  2. Sa gawing ibaba at kanan ng GlobeOne app dashboard, i-tap ang “Profile” at piliin ang “Account Management”.

  3. Sa Account Management page, i-tap “Add Account” at piliin ang “GFiber Prepaid”.

  4. Ilagay ang mobile number na ni-register para sa iyong GFiber Prepaid account, at ang iyong PIN. (Tandaan: Siguruhin na ang mobile number na registered para sa iyong GFiber Prepaid account ang iyong ilalagay).

  5. Maglagay ng nickname at i-tap ang “Confirm Account”.

  6. Kapag na-redirect na sa Account Management page, piliin ang iyong GFiber Prepaid account para makabalik sa GlobeOne app dashboard.

  7. Kapag successful ang registration, makatatanggap ka ng notification na ang iyong GFiber Prepaid account ay registered na.

Maari mong gawin ang mga sumusunod sa GlobeOne app:

 

  • Track your GFiber Prepaid order

  • Avail GFiber Prepaid UNLI GFiberSURF promos 

  • Monitor the status of your existing GFiberSURF promo

  • Access to exclusive promos

  • Help and Support

Ang GFiber Prepaid device warranty ay valid for 365 days mula sa date ng installation ng GFiber Prepaid modem.


Kung ang modem ay matagpuang defective sa loob ng pitong  (7) araw mula sa date ng modem installation, LIBRE itong papalitan ng Globe technician. I-report lamang via the GlobeOne app.


Kung patuloy pa rin ang issues o concerns lagpas ng pitong araw mula sa installment date at pasok pa sa warranty period, maaaring mag-request ng technician check-up para sa iyong modem via the GlobeOne app.